Toronto-Boston may game 7 pa

LAKE BUENA VISTA, Florida — Hindi basta-basta isusuko ng nagdedepensang Toronto Raptors ang kanilang titulo.

Hinatak ng Raptors sa Game Seven ang kanilang Eastern Conference semifinals showdown ng Boston Celtics matapos angkinin ang 125-122 double overtime win sa Game Six kahapon dito sa NBA playoffs.

Naghabol ang Toronto sa fourth quarter, sa unang overtime at ikalawang overtime bago isinalpak ni guard Kyle Lowry ang isang acrobatic jumper sa huling 11.7 segundo para itabla sa 3-3 ang kanilang semis wars ng Boston.

“Our job is to go out there and play as hard as possible,” wika ni Lowry.  “We had to work hard for this win and for us, that is what we do.”

Nauna nang nanalo sa double overtime ang Raptors sa pagbibida naman ni OG Anunoby na tumira ng buzzer-beating 3-pointer sa huling minuto ng Game Three para sa  123-122 win.

Tumapos si Lowry na may 33 points para sa defending champions habang nagtala si Norman Powell ng 23 markers kasama ang dalawang free throws sa nalalabing 5.0 segundo.

May 21 points si Fred VanVleet at nagtala si Anunoby ng 13 points at 13 rebounds. Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Cel­tics sa kanyang 31 points at 16 rebounds habang naglista si Jayson Tatum ng 29 points at 14 rebounds. Nagdagdag si Marcus Smart ng triple-double sa tinapos na 23 points, 11 rebounds at 10 assists.

Lumapit naman ang LA Clippers sa Western Con­ference Finals berth matapos gibain ang Denver Nuggets, 95-86 sa Game Four para iposte ang 3-1 bentahe sa kanilang sariling semis duel.

Humataw si Kawhi Leonard ng 30 points, 11 rebounds at 9 assists para banderahan ang Clippers.

 

Show comments