MANILA, Philippines — Sa isang simpleng civil wedding ceremony, tuluyan nang pinag-isang dibdib sina NLEX Road Warriors shooting guard Kevin Alas at PBA courtside reporter Selina Dagdag.
Sa Instagram kapwa inanunsyo ng dalawa ang isa sa pinakamasayang araw nila kamakalawa bilang magkasintahan sa loob ng mahigit tatlong taon.
“Meet Mrs. Selina Dagdag-Alas. A church wedding is what we originally planned but we always remind each other that God is sovereign, and that He is in control of everything,” sabi ni Alas. “What’s important is our love for each other. Praise God for the gift of love.”
May plano pa rin ang mag-asawa na magpalitan ng kanilang ‘I do’ sa isang church ceremony sa susunod na taon kapag maayos na ang lahat kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa mula sa mga players sa pro-league gaya nina Terrence Romeo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Robert Bolick, Allein Maliksi, Jeff Chan, Javee Mocon at Ray Parks, Jr.