EJ Laure ipinakita na ang anak sa publiko

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, walang takot na ipinakita upang ipakilala ni University of Santo Tomas (UST) stalwart EJ Laure sa publiko ang kanyang anak na si Scarlet Cariño sa social media kahapon.

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nitong Huwebes ng kanyang boyfriend na si Bugoy Cariño, dating Goin’ Bulilit star ng ABS-CBN, nag-post ng video sa Instagram si EJ kung saan naka-compile ang mga larawan nilang buong pamilya. “Happy Birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino. We love you so much daddy!” ang maiksi pero sweet message nito sa kanyang partner at sinagot naman ito ng batang aktor ng: “I love you so much baby Scarlet at Mommy ko EJ.”

Bumuhos din ang suporta para sa kanilang pamil-ya mula sa mga kapwa volleyball players ni Laure gaya nina dating La Salle libero Melissa Gohing, national team member Jovelyn Gonzaga at UST teammate Dimdim Pacres.

Magugunita na makailang beses itinanggi ng UAAP season 77 Rookie of the Year na si Laure ang usap-usapang nagdadalang-tao ito noong 2018 dahil sa biglaan nitong pagkawala sa collegiate scene kung saan idinahilan niya ang shoulder injury.

Noong nakaraang taon  ay muling nasilayan ng fans si EJ nang magbalik-court siya sa collegiate conference ng Premier Volleyball League (PVL) at nakapaglaro rin siya sa 82nd season ng UAAP bago ito tuluyang napahinto dahil sa pandemic.

Show comments