^

PM Sports

WNBL Rookie Draft sa October

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod ng pagkilala nito bilang unang women’s pro basketball league sa bansa, idaraos din ng WNBL ang inaugural Rookie Draft nito sa Oktubre.

Ilalabas ng WNBL ang requirements sa mga susunod na araw at online ang magiging aplikasyon ng mga aspi-ring Filipina ballers bunsod pa rin ng pandemya.

Noong nakaraang taon pa napasinayaan ang WNBL bilang amateur league na nilahukan ng pitong koponan kung saan Philippine Air Force ang unang champion.

Nitong nakaraang linggo lang nabasbasan ng Games and Amusement Board ng pro-status ang WNBL gayundin ang men’s counterpart nito na NBL.

Sa unang pro season ng WNBL, All-Filipina muna at walang Fil-foreign players para sa misyong makadiskubre ng local grassroots talents.

Sa mga susunod na season ay inaasahang may imports na para lalong mapalakas ang liga.

Nauna nang pinuri ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang WNBL bilang dagdag na tulong sa lalong pagpapayaman ng kabuuang Philippine basketball program.

Tumaas na ang women’s basketball level ng Pinas sa mga nakaraang taon tampok ang double-gold medal win sa 30th SEA Games sa 5-on-5 at 3x3 events.

Inaasahan din ang pagsali ng mga Gilas women players tulad ni Jack Animam matapos ang kanyang Taiwan stint upang magsilbing import para sa Shih Hsin University.

ROOKIE DRAFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with