^

PM Sports

Sino ang susunod na aalis sa UST?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sino ang susunod na aalis sa UST?
Brent Paraiso

MANILA, Philippines — Sino ang susunod na player na aalis sa University of Santo Tomas sa gitna ng mga kontrobersiyang kinaharap nito?

Iyan ang malaking katanungan ng marami ngayon matapos madagdagan ang manlalarong nawala sa kampo ng España nang sumibat na rin si Brent Paraiso kamakalawa.

Si Paraiso na ang ikalawang manlalaro na nawala sa Tigers matapos umalis ang dating team captain na si CJ Cansino noong nakaraang linggo at lumipat sa University of the Philippines.

Ngayon, ayon sa mga ulat, posibleng um-exit na rin ang big man na si Ira Bataller at ang rising star na si Rhenz Abando.

Kagagaling lang sa impresibong UAAP finals run ng Tigers noong Season 82 at ngayo’y nahaharap sa posibleng pagkaubos ng team na nag-ugat sa di-umano’y training bubble ng Tigers sa hometown ni coach Aldin Ayo sa Sorsogon.

Haharapin din ng UST ang hatol sa naturang bubble na posibleng quarantine protocol breach ng gobyerno sa gitna ng pandemya.

Matutukoy ang desis-yon ng IATF fact-finding body patungkol sa UST bubble sa nakatakdang pagpupulong bukas kasama ang mga opisyal ng UST at ng UAAP.

Inaasahang ipe-presenta ng UST sa meeting ang resulta ng kanilang isinagawang sariling investigation noong nakaraang linggo.

Binubuo ng Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH) at Games and Amusement Board (GAB) ang naturang probe body kasama ang Commission on Higher Education (CHED) na siyang governing body ng tertiary institutions tulad ng UST.

Aantabayanan din ang opisyal na paliwanag ng kampo ni coach Ayo sa naturang isyu.

Inaasahan ding magpaliwanag ang National University sa IATF  investigating comittee dahil sa di-umano’y training naman ng kanilang women’s volleyball team na kumalat din sa social media.

 

BRENT PARAISO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with