^

PM Sports

Portland dinala sa playoffs ng nagluluksang si Nurkic

Pang-masa
Portland dinala sa playoffs ng nagluluksang si Nurkic
Jusuf Nurkic

LAKE BUENA VISTA, Fla. — Dalawang oras matapos ihayag na namatay ang kanyang lola dahil sa COVID-19, lumakad si Portland Trail Blazers center Jusuf Nurkic sa center court, hinawakan ang kanyang mukha at pumalakpak ng malakas.

“I didn’t want to play,” wika ni Nurkic matapos ang laro. “I think she made me play.”

Humakot si Nurkic ng 22 points, 21 rebounds, 6 assists, 2 steals at 2 blocks para banderahan ang Blazers sa 126-122 pagsibak sa Memphis Grizzlies sa kanilang play-in kahapon dito sa Walt Disney World Resort.

Dahil sa panalo ay umabante ang Portland sa NBA playoffs kung saan nila makakatapat ang top-seed na Los Angeles Lakers sa first round ng Western Conference sa Martes.

Bagama’t hindi naglaro sina star big man Jaren Jackson Jr. at backup point guard Tyus Jones ay lumamang pa rin ang Memphis sa second half kung saan ipinasok naikonekta nila ang higit sa 50 porsiyento ng kanilang mga three-pointers.

Tumapos naman si Damian Lillard na may 32 points at 10 assists, habang isinalpak ni Carmelo Anthony ang game-clinching 3-pointer para sa Blazers.

Humugot si CJ McCollum ng 14 sa kanyang 29 points sa fourth katuwang si Nurkic.

Sinabi ni Lillard na ini-rerespeto nila ang kakayahan ng Lakers ngunit alam niyang kaya nilang talunin ang tropa nina LeBron James at Anthony Davis.

“We respect them for who they are, and we have enough belief in ourselves to go into it feeling like we can win the series. I think it’s that simple,” ani Lillard sa pagsagupa ng Blazers sa Lakers.

JUSUF NURKIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with