Nagpaka-sweet girlfriend si Dawn Macandili

Diego Catindig at Dawn Macandili

MANILA, Philippines — May pagkapribado ang lovelife ni women’s national volleyball team libero Dawn Macandili pero kahapon, ‘di niya natiis na muling ipangalandakan ang kanyang boyfriend sa kanyang Instagram account.

Sa bibihirang pagkakataon na makita sa kanyang social media na kasama ang boyfriend, bawing-bawi ngayon si Macandilli dahil series of photo ng kanyang BF na si Diego Catindig at ilang cute couple pictures nila ang shinare nito dahil birthday ng kanyang jowa.

“Hey love! Happy birthdaaay. Today is a special day, ‘di lang dahil 8.8 SALE! Kung hindi dahil na rin sa birthday mo. Cheers to 25 years, to more blessings, safe travels, good health and happiness,” maiksi pero sweet na message ni Macandili na kilala sa tawag na  Ms. Everywhere.

Taong 2011 nang ma-ging magkarelasyon sina Macandili at Catindig, isang piloto, na nakasama na rin niya sa kanyang maraming travels.

 

Show comments