Tutok si Caidic sa youtube channel

Para sa akin at malamang sa nakararami, si Allan Caidic ang best-ever long-range shooter na naglaro sa PBA.

Hindi ko inabot ang mga national teams na nauna sa NCC team, pero malamang na hindi pagtatalunan na isa si Caidic sa best gunner na nagsuot ng Philippine jersey.

‘Yung hindi inabot ang lintek na kamay ni Caidic ay may oportunidad na makita ito sa Allan Caidic Official YouTube Channel.

So far, seven episodes na ang naihatid nito – swak sa pandemic period kung saan takaw na takaw nang makapanood ng games ang mga Pinoy basketball fans.

At hindi basta laro ang hatid ni Caidic kundi mga klasiko at memorable na laban na kanyang kinabilangan mula sa kanyang NCC days hanggang sa PBA.

Nauna niyang na-features ang higanteng panalo ng NCC Philippine squad na nagpapakita ng kisig ng tambalan nila ni Samboy Lim.

Pinangunahan nila ang championship run ng Pinas sa 1986 ABC Championship (FIBA Asia Championship na ngayon) sa Ipoh, Malaysia – bagay na hindi pa nauulit hanggang sa panahong ito.

Nakapagpalabas din si Caidic ng laro ng Phi-lippine Centennial Team noong 1998 kung saan last-minute addition ang pambato ng Cainta dahil ramdam ni coach Tim Cone na kakailanganin pa rin niya ang shooting ni Caidic kahit na edad 35 na noon.

Tunay na kinaila­ngan at nakatulong, kaya’t nadagdagan pa ng Asian Games bronze medal ang memorabilia ni idol Allan.

Sangkaterba ang Caidic classics mula sa kanyang UE Warrior day kaya abatan ko ito sa kanyang channel.

 

Show comments