Players, athletes pumatol sa challenge
MANILA, Philippines — Nagkalat ngayon ang mga black and white photos sa Instagram at maging sa Facebook na bahagi ng uso ngayong challenge.
Maging ang mga players at athletes ay hindi nakaligtas sa trend na nakadikit ang “Challenge Accepted” sa mga black and white photo at kailangan nilang mag-nominate pa ng iba para gawin din ito.
Karamihan ng mga nagpo-post ay mga babae dahil ang challenge ay isang awareness na ang lahat ng mga babae ay maganda at dapat suportahan ang kanilang mga kapwa babae.
Kabilang sa mga nakisali sa challenge na layuning magpalaganap ng positivity ay sina volleyball starts Mika Reyes, Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga, Aby Maraño, Ponggay Gaston, Desiree Cheng, Sisi Rondina, Bernadeth Pons at iba pa. Hindi rin nagpahuli ang pambatong taekwondo jin na si Pauline Lopez, ang karateka na si Jamie Lim, tennis star na si Tin Patrimonio, billiards stalwart Rubilen Amit at iba pang atleta.
May sariling challenge rin ang mga kalalakihan at nakisali sina RayRay Parks, taekwondo coach Japoy Lizardo, LA Tenorio at iba pa.
- Latest