Allein Maliksi singer na?

Allein Maliksi

MANILA, Philippines — Patok na patok ngayon sa netizens ang mobile application na Doublicat kung saan ipapatong ang iyong mukha sa mga video clip ng sikat na singers at hindi nakaligtas dito ang PBA player na si Allein Maliksi.

Nakain na rin ng sistema ang Meralco Bolts shooting guard nang mag-post siya ng kanyang sari­ling video clip sa Instagram.

Sa video ni Canadian popstar Justin Bieber napili ni Maliksi na isalin ang kanyang mukha at kitang-kita na parang siya talaga ang kumakanta sa mga clips ng mga music video nito.

“Justin Beaver Of Taytay Rizal,”  caption ng four-time PBA champion sa nakakatuwang video na ito na may halos 3k views na.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa panadaliang transformation ng two-time PBA All-Star at maraming nagsabi na bagay daw sa kanya ito. “Ayos bagay na bagay idol,” comment ni @marionladaga.

Show comments