Capacio inilaglag

Nagpahaging si Glenn Capacio ng pagdaramdam dahil naranasan niyang ilaglag ng kanyang player or players noong kanyang head-coaching days.

“Halos buong buhay ko nasa basketball ako. Fourteen years old pa lang ako, naglalaro na ako (high school basketball sa Trinity U). So alam ko ang talbog ng bola,” ani Capacio sa kanyang panayam sa ClutchPoint podcast ni veteran sportswriter Rey Joble.

Aniya mataas ang potensyal na nakahugot sila ng ‘di bababa sa tatlong championship kung walang gumawa ng kabulastugan.

Hindi niya binanggit ang pangalan ng koponan, pero obvious na ang kanyang powerhouse FEU team ang kanyang pinatutungkulan.

Hindi puwedeng AirAsia Philippine Patriots dahil maganda ang takbo ng koponang ito – champion ng inaugural Asean Basketball League na patuloy niyang nakasama hanggang sa pagtawid nito sa PBA noong 2012.

Hindi rin puwedeng Kia dahil si Manny Pacquiao lamang ang malaking dahilan sa pagsampa nito sa PBA noong 2014. Malaki ang potensyal sa boxing pero hindi sa basketball.

Labas sa AirAsia (GlobalPort) at Kia, FEU lamang ang kanyang nahawakan bilang head coach.

Apat na UAAP season siya sa FEU, kung saan palagian silang contender, kasama na ang taong 2010 kung saan kalaban nila ang Ateneo Eagles sa finals.

Sa finale, controversial na biglang nawala si Capacio dahil daw nagkasakit.

Bilang head coach, talaga raw magkakasakit siya sa kabuwisitan kapag nakakakita ng player na sadyang matalo at hindi manalo ang ha-ngarin sa laro. 

 

Show comments