Umaapoy ang hairdo ni Dwyane Wade
MANILA, Philippines — Ibang klaseng hairdo ang ibinida ni NBA legend Dwyane Wade sa kanyang fans.
Tila nagbabaga ang ulo ng three-time NBA champion dahil sa malaapoy na istilo ng likurang bahagi ng kanyang buhok dahil pula at dilaw na kulay nito.
Sa Instagram, proud na shinare ng dating NBA Finals MVP ang kanyang bagong hairstyle na gawa ng hair colorist at artist na si Jared Esguerra.
“@jaredesg thank you for coming thru and bringing that fire! 17 years old with this kinda talent, go show him some love. Swipe,” caption ni Wade sa post na may halos 280k likes at 3k comments.
Napamangha ang netizens sa detailed style ng kanyang buhok maging si Philadelphia 76ers gunner Ben Simmons ay napa-comment ng: “That’s hard.” habang “Whoa! That is so cool” ang mensahe ng Hollywood actress na si Reese Witherspoon.
- Latest