Bradley out, Lakers kausap si Smith

LOS ANGELES -- Mas pinili ni Lakers guard Avery Bradley na huwag maglaro sa NBA restart season sa Orlando, Florida.

Ipinagbigay-alam ni Bradley, nakita sa 44 games ng Lakers ngayong season, sa team management ang kanyang desisyon na manatili sa Los Angeles.

Dahil dito ay maaaring palagdain ng Lakers ang isang replacement player para kay Bradley kung saan pangunahing kandidato si free-agent scorer JR Smith.

Unang inisip ni Bradley sa kanyang desisyon ay para manatiling kasama ang kanyang 6-gulang na anak na si Liam.

Si Liam ay may kasaysayan ng respiratory illnesses kaya imposibleng payagan siyang makapasok sa Orlando bubble.

“As committed to my Lakers teammates and the organization as I am, I ultimately play basketball for my family,” wika ni Bradley. “And so, at a time like this, I can’t imagine making any decision that might put my family’s health and well-being at even the slightest risk.”

“As promised also, I will use this time away to focus on the formation of projects to help strengthen my communities,” dagdag pa nito.

Si Bradley ay na­ging co-leader ni Kyrie Irving ng Brooklyn Nets sa isang players coalition na nagtutulak sa mga isyu sa social justice at racial equality sa National Basketball Players Association at sa NBA.

Si Bradley ay isang mahalagang two-way player para sa Lakers, ang Western Conference No. 1 seed papasok sa 22-team restart sa Orlando.

Show comments