Ayaw tantanan ni Thurman si Pacman
MANILA, Philippines — Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si American welterweight Keith Thurman na maitatakda ang kanilang rematch ni Manny Pacquiao kahit hindi man ngayong taon.
Noong Hulyo ng 2019 ay tinalo ni Pacquiao si Thurman via split decision para angkinin ang World Boxing Association (WBA) welterweight crown.
“I don’t know what kind of fight Pac’s gonna do,” wika ni Thurman (29-1-0, 22 KOs) kay Pacquiao (62-7-2, 39 KOs). “No matter what it is, it most likely won’t be a better fight or a better performance than Thurman-Pacquiao.”
Ang 41-anyos na si Pacquiao at ang 31-anyos na si Thurman ay parehong nasa bakuran ng Premier Boxing Champions (PBC) ni Al Haymon.
Wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao kung sino ang gusto niyang labanan bago matapos ang taon.
- Latest