May Junior na si Jalalon

Jiovani Jalalon, Jr.

MANILA, Philippines — Thankful si Magnolia Hotshots point guard Jio Jalalon sa naging maayos na delivery ng kanyang second child at unang baby boy sa gitna ng CO-VID-19 pandemic.

Isang emotional post ang ibinahagi ni Jalalon sa Instagram kasama ang picture ng kanyang munting anghel na si Jiovani Jalalon, Jr.

“Maraming salamat po mahal na Panginoon sa binigay Mong gift sa aming pamilya, tinupad Niyo po ‘yung mga panalangin ko po na malagay sila sa mabuting kalagayan at sa ngayon ay kasama na po namin ung baby boy po namin,” sabi ni Jalalon.

“At sa habang buhay ko namang makakasama, nagpapasalamat din ako sayo mahal ko, hindi ganun kadali ung dinadala mo. Sobrang proud ako sayo, I love you so much. Praise to God! Blessed! Blessed! Blessed! My boy, Jiovani, Jr.”

 

Show comments