Bagong karera schedule inihayag

MANILA, Philippines — Naglabas kaagad ng iskedyul ng karera ang Philippine Racing Commission (Philracom).

Pagkatapos ng isang buwan na lockdown na ipina­tupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magsasaya kaagad ang mga karerista.

Noong Sabado ay kinansela ng San Lazaro Leisure Park ang kanilang pakarera kaya hindi natuloy ang dalawang stakes races.

Ilalarga sana ang Philracom Maiden Stakes Race at ang Three-Year-Old Road to the Triple Crown pero hindi natuloy dahil sa Coronavirus.

“Races shall commence on April 18 & 19 (Sat. & Sun.) (Subject to the the lifting of the NCR communi­ty quarantine) at SLLP with the same line-up as was sche­duled for March 14 & March 15 of 2020. There will be a confirmation day of entries to be held on April 16th, Thursday at SLLP for all runners of said races,” ayon  sa memoran­dum ng Philracom.

Sinabi ng Philracom na dapat maging handa ang mga horse owners, trai­ners at jockeys kapag ma­lapit na ang nasabing petsa ng karera.

“We advice Horse Ow­­ners, Trainers and Jockeys to be ready with their Horses participating in any of the races sche­duled especially the Hor­ses participating in the Phil­racom Maiden Stakes Race and the 3YO Road to the Triple Crown.”

Kailangan pa ring apru­bahan ng Philracom board ang mga susunod na racing calendar.

“Racing Calendar from April 21, 2020 until Ju­ly 31, 2020 shall be approved by the Philracom Board and shall be immediately publish.”

 

Show comments