TOKYO, Japan — Sa kabila ng mabilis na pagkalat ng coronavirus sa iba’t ibang bansa ay itutuloy pa rin ng host country ang pagdaraos sa 2020 Olympic Games.
Ito ang pahayag kahapon ng Tokyo city governor sa pamamahala nila sa quadrennial meet na nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.
“It can’t be said that the announcement of a pandemic would have no impact. But I think cancelation is unthinkable,” sabi ni Tokyo city governor Yuriko Koike.
Nalagay sa balag ng alanganin ang pagsasagawa sa 2020 Tokyo Olympics bunga ng pagkalat ng COVID-19.
Iginiit ng mga organizers na hindi mapipigilan ang pagdaraos nila sa 2020 Olympics kagaya ng kanilang plano.
Wala pang pahayag ang International Olympic Committee (IOC) hinggil sa pagpapaliban o pagkakansela sa Tokyo Games.