^

PM Sports

Marinero sasagupa sa ADG-Mapua

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakasubukan ang magkakamping coaches na sina Randy Alcantara at Yong Garcia sa pagsa­gupa ng iba pa nilang ko­ponan sa 2019-2020 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Paco Arena sa Manila.

Magpapangbuno sina Al­cantara at ang ADG Dong-Mapua kontra kina Garcia at sa Marinerong Pi­lipino ngayong alas-3 ng hapon bilang bahagi ng triple-bill.

Ito ang unang pagha­ha­rap ng da­lawa na kasalukuyan ding nasa likod ng matagum­pay na San Juan-Go For Gold coa­ching staff.

Sa likod ni Alcantara bilang head coach at Garcia bilang top assistant, swak na ulit sa North Division Finals ng MBPL ang San Juan Knights.

Sila rin ang nagwagi ng MPBL championship no­ong nakaraang taon.

Paboritong manaig ang Skippers ni Garcia la­lo’t babandera sa kanila ang Gilas Pilipinas pool members na sina Juan at Javi Gomez De Liaño gayundin si second overall pcik Jaime Malonzo.

Kagagaling lamang ng Marinero sa 93-57 panalo kontra sa CEU noong nakaraang linggo.

Samantala, solido rin ang iba pang dalawang la­ban sa pagitan ng Buil­ders Warehouse-UST at Di­liman College sa ala-1 ng hapon at ang EcoOil-DLSU kontra sa Karate Kid-Ceu sa alas-5 ng ha­pon.

Magandang paghaharap din ang huling laban sa pagitan ng Green Archers at Scorpions na nakasentro kay coach Derrick Pumaren.

Dating coach ng CEU si Pumaren na nadala niya sa makasaysayang D-League finals noong na­­­karaang taon sa likod ng seven-man line-up su­balit nasa panig na siya ng Green Archers nga­yon.

 

vuukle comment

MARINERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with