Crawford gusto ng unification fight kay Pacquiao
MANILA, Philippines — Puntirya ni reigning World Boxing Organization welterweight champion Terence Crawford na maikasa ang unification bout laban kay World Boxing Association welterweight king Manny Pacquiao.
Nang tanungin kung sino ang nais nitong makalaban sa title defense, agad na tinuran ni Crawford ang eight-division world champion na si Pacquiao.
Tinukoy ni Crawford ang maningning nitong pangalan sa mundo ng boksing.
Ang Pinoy champion na lamang ang natitirang legendary boxer na aktibo ngayon.
Retirado na sina Floyd Mayweather Jr., Miguel Cotto, Erik Morales at Marco Antonio Barrera na itinuturing na may malalim na legasiya sa boksing.
Kaya naman ayaw palampasin ni Crawford ang pagkakataon na makaharap nito si Pacquiao na inaasahang magreretiro sa mga susunod na taon.
“Manny, for sure. It would be like the passing of the torch. He’s the last great fighter in this era left. Floyd retired. Cotto retired. Erik Morales, Barrera, whoever you name, they all retired. Pacquiao is the last man standing right now,” wika ni Crawford sa panayam ng Now Boxing.
Bilib si Crawford sa kakayahan ni Pacquiao na kayang makipagsabayan sa mga bagitong boksingero sa kabila ng kanyang edad na 41-anyos.
Magugunitang pinataob ni Pacquiao si Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hulyo.
“He’s proven to have a lot left to give, and he can keep up with the young lions. It’s not my place to say if it’s smart or not because he just beat one of the top welterweights in the division, so, he [Pacquiao] belongs there,” ani Crawford.
Hindi pa naghaharap si Pacquiao at Crawford sa laban, ngunit tila mapanganib si Crawford na armado ng matikas na 36-0 rekord.
Galing ito sa ninth-round knockout win kay Egidijus Kavaliauskas ng Lithuania noong Disyembre 14 sa Madison Square Garden para mapanatili ang kanyang WBO belt.
- Latest