PBA Legends vs celebrities sa Wish Olympics
MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Allan Caidic at Johnny Abarrientos ang selection ng PBA legends at mga active UNTV players na haharap sa isang celebrity team sa Wish Olympics sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
“Basta puwede akong makatulong handa ako parati,” sabi ni Caidic sa one day event na idaraos para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano noong nakaraang buwan na inorganisa ng UNTV sa pangunguna ni president at CEO Dr. Daniel Razon. “Nakakaawa ang mga kababayan natin sa Batangas so dapat lang damayan natin.”
Kasama nina Caidic at Abarrientos sina Chris Calaguio at mga dating PBA MVP winners na sina Jayjay Helterbrand at Willie Miller bukod pa kina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysa-yan ng Agriculture at sina Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.
Kabilang naman sa celebrity squad sina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casino, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz.
Si Crispa great Atoy Co ang match director, si Ed Cordero ang magko-coach ng Legends-UNTV team habang si Emman Monfort naman para sa celebrities.
Mayroon ding volleyball exhibition sa pagitan ng mga celebrities at current players ng iba’t ibang liga.
Makikibahagi sa naturang event sina dating Ateneo star at ABS-CBN host Gretchen Ho kasama sina Claudia Barreto, Aya Fernandez at Gwen Zamora.
- Latest