MANILA, Philippines — Malalaman ngayong araw ang hihiranging Horse of the Year sa magaganap na Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo) annual “Gintong Lahi Awards” sa Bar 27, Diamond Hotel, Roxas Blvd., Manila.
Mahigpit ang labanan sa nasabing prestihiyosong award para sa mga pangkarerang kabayo sa Pilipinas.
Kikilalanin ang mga outstanding performers sa local horse racing noong 2019, mahigpit ang bakbakan para sa HoY ang tatlong malulupit na kabayong Real Gold, Boss Emong at Supersonic.
Hinablot ng Real Gold ang first at third leg ng Triple Crown Championship series, habang sinungkit ng Boss Emong ang second leg at kinalawit ng Supersonic ang Presidential Gold Cup noong Disyembre.
Ang iba pang major awards sa Equine Category ay ang mga kampeon sa two-year-old colt at filly, three-year-old colt at filly, older horse, sprinter at imported horse.