NHA Builders swak sa semifinals ng UNTV Cup

MANILA, Philippines — Muling nakapasok ang National Housing Au­thority sa semifinal round matapos kunin ang 77-74 panalo laban sa Phi­lippine International Tra­­ding Corporation sa 8th UNTV Cup sa Paco Are­na sa Manila.

Nagpaputok si Anto­nio Lustestica ng 18 points bukod pa ang 3 re­bounds at 1 steal para sa NHA Builders ni coach Benneth Palad.

Ang panalo ng NHA sa annual tournament pa­ra sa mga public servants ang tumiyak sa kanila sa pag-upo sa No. 3 anuman ang resulta ng kanilang hu­ling laro sa quarterfinals laban sa Department of Agriculture Food Masters sa Linggo.

Makakasagupa ng Buil­ders sa semis ang No. 2 Department of En­vi­ronment and Natural Re­sources Warriors.

Madedetermina naman ang kukuha sa ika­apat at huling semis seat kung saan malakas ang tsansa ng Food Masters matapos ang 71-68 pag­gu­po sa two-time champions na Judiciary Magis.

Tumipa si Sherwin Silva ng 23 markers para isabit ang Agriculture sa three-way tie para sa se­cond hanggang fourth places kasama ang PITC at Judiciary.

Nakapasok sa semis ang AFP at DENR sa tor­­neong inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Show comments