DENVER -- Tinapos ni Domantas Sabonis at ng Indiana Pacers ang kanilang 10-game losing slump sa Pepsi Center para iposte ang sariling five-game winning streak.
Humakot si Sabonis ng 22 points, 15 rebounds at 10 assists para sa una niyang triple-double habang humugot si Doug McDermott ng 18 sa kanyang 24 points sa fourth quarter para pamunuan ang Pacers sa 115-107 pagpapahiya sa Nuggets.
Tumipa sina Malcom Brogdon at T.J. Warren ng tig-22 points para sa Indiana na nalampasan ang 30-point performance ni Denver star center Nikola Jokic.
“You just play the game. If teams collapse on me I try to kick it out,” wika ni Sabonis. “We were ready for that. That’s my favorite part on the court. Make their defense collapse. Look for the open guy.”
Halos dominahin ng Nuggets ang laro bago humataw ang Pacers ng 41 points sa fourth period kumpara sa 26 ng host team.
Nag-ambag sina Jerami Grant at Will Barton ng tig-16 points para sa Denver, muling naglaro nang wala sina injured starters Paul Millsap, Gary Harris at Jamal Murray.
Sa San Antonio, naglista si LaMarcus Aldridge ng 21 points para tulungan ang Spurs sa 107-102 paggupo sa Miami Heat.
Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 20 points at may 18 markers si Patty Mills para wakasan ng San Antonio ang kanilang two-game losing skid.
Naimintis ni Duncan Robinson ang kanyang tangka sa three-point line sa huling 10.2 segundo kung saan naiwanan sila sa 102-105-.
Nakakuha naman si Marco Belinelli ng foul at isinalpak ang dalawang free throws para selyuhan ang panalo ng Spurs.