MANILA, Philippines — Labingdalawang koponan ang nagpormalisa na ang kanilang entries sa 2020 PBA Developmental League Aspirants Cup n anakatakdang magbukas sa Pebrero 13.
Babandera rito ang NCAA champion na Letran at UAAP runner-up na University of Santo Tomas ayon sa opisyal na anunsyo ng liga kamakalawa.
Babalik sa dating pangalan na Wangs Basketball-Letran ang Knights habang makikilala naman ang Tigers bilang UST Builders Warehouse bilang top contenders ng unang D-League conference.
Kasali rin ang iba pang school-based teams na EcoOil- DLSU at Mapua na magiging miyembro ng D-League sa unang pagkakataon.
Makikilatis ang La Salle na magpaparada ng bagong coach na si Derrick Pumaren.
Swak din ang 2019 Aspirants’ Cup runner-up na CEU kasama ang AMA Online Education, Diliman College, TIP Enderun Colleges, San Sebastian at Far Eastern University.
Tanging ang Marinerong Pilipino lamang ang club team sa 12-squad Aspirants’ Cup na hangad makaganti ngayon matapos mauwi sa wala ang conference sweep sana nito sa Foundation Cup noong nakaraang taon.
Magkakaroon ng tsansa ang mga koponan na magpalakas sa gaganaping PBA D-League Draft sa Enero 20 PBA Office sa Libis, Quezon City.
Sa ikaapat na sunod na taon ay ang AMA ang may karapatan sa no. 1 pick na posibleng gamitin nila kay La Salle stalwart Jamie Malonzo.
Napili ng Titans bilang top picks sina Jeron Teng, Owen Graham at Joshua Munzon noong 2017, 2018 at 2019, ayon sa pagkakasunod.