Butler pinagmulta ng $35K; $25K naman kay Warren

NEW YORK — Pinagmulta ng NBA sina Mia-mi star guard Jimmy Butler ng $35,000 (halos P1.7 milyon) at T.J. Warren ng Indiana ng $25,000 (halos P1.2 milyon) dalawang araw matapos ang kanilang komprontasyon sa panalo ng Heat laban sa Pacers sa Indianapolis.

Sinabi ng NBA na pinalubha ni Butler ang sitwasyon sa social media matapos ang laro.

Nagpakita naman si Warren ng ‘di magandang asal laban kay Butler sa kanyang ejection.

Dinakma ni Warren ang pasalaksak na si Butler sa braso at ibinalibag sa 6:29 minuto ng third quarter. Nagbanggaan sila ng dibdib at nagpormahan bago inawat ng mga referees.

Pareho silang tinawagan ng technical fouls.

 

Show comments