MIAMI – Ipagdiriwang ng Heat ang career ni guard Dwyane Wade sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang three-day series na tributes sa susunod na buwan.
Kasama rito ang pagreretiro sa No. 3 jersey ni Wade at ang pagpapalabas sa dokumentaryo ng kanyang final season sa Miami.
Nakatakda ang isang tribute ng kanyang ‘best moments’ sa Pebrero 21.
Itatas naman ang kanyang jersey sa rafters sa pagharap ng Heat kontra sa bisitang Cleveland Cavaliers sa Pebrero 22.
Ipapalabas naman ang isang documentary ng kanyang on- and off-court life sa team’s arena sa Pebrero 23.
Si Wade ang magi-ging panglimang Heat player na ireretiro ang jersey matapos sina Alonzo Mourning, Tim Hardaway, Shaquille O’Neal at Chris Bosh.
Nauna nang inihayag ng Heat ang pagreretiro nila sa Miami jersey ni LeBron James.
Sa 16 seasons ni Wade sa NBA ay mas marami ang mga taong inilaro niya para sa Miami.
Tinulungan niya ang Heat sa pagdakma sa NBA championships noong 2006, 2012 at 2013 at ang leading sco-rer sa team history.