NEW YORK — Sadyang hindi na makontrol ni veteran point guard Isaiah Thomas ang kanyang emosyon.
Kahapon ay pinagmulta ng NBA ang Washington Wizards guard ng $25,000 dahil sa kanyang ‘inappropriate contact’ sa isang game official.
Natawagan si Thomas ng technical foul at kaagad napatalsik sa 103-122 home loss ng Wizards laban sa Portland Trail Blazers noong Biyernes ng gabi.
Nagkabuhol sina Thomas at Portland forward Carmelo Anthony sa sidelines.
Nang makawala si Thomas mula sa mga braso ni Anthony ay binangga niya si referee Marat Kogut na napaatras sa mga fans.
Nauna nang pinatawan si Thomas ng two-game suspension matapos sumugod sa stands para komprontahin ang dalawang fans na nang-aasar sa kanya matapos ang timeout sa laban ng Washington kontra sa Philadelphia 76ers noong Disyembre 21.