Pascal nalusutan si Jack

ATLANTA - Sa pagsabak ni Badou Jack sa laban kung saan nakataya ang isang major title ay kuwestiyunableng desis­yon ang sumunod sa kan­ya.

Tinalo ni dating lineal light heavyweight champion Jean Pascal ang da­ting two-division titlist na si Jack via 12-round split decision kahapon dito sa State Farm Arena sa Atlanta, Georgia.

Binigyan ni judge Ju­dy Lederman si Jack ng iskor na 114-112, habang pinaboran ni Nelson Vasquez si Pascal, 114-112.

Iniskoran naman ni judge Barry Lindenam ang laban sa 114-112 para kay Pascal.

“I won this fight,” giit ni Pascal matapos ang kanyang ikalawang pa­nalo ngayong 2019 na ma­­aaring ikunsiderang ‘Comeback of the Year’. “It was a close fight, but I won it.”

Hindi palaging nagsasabi ng tunay na nangyari ang mga final punchstat numbers.

Sa Compubox unofficial stats ay kumonekta si Jack (244) ng mas ma­­raming total punches kumpara kay Pascal (155) at may mas mataas na connect percentage (39%-28%).

Isang left uppercut ang naikonekta ni Jack sa round four matapos niyang makorner si Pascal.

Nagawa naman ng 15-year ring veteran na si Pascal na makawala.

Show comments