NEW YORK -- Pinatawan ng NBA si Oklahoma City Thunder guard Dennis Schroder ng multang $25,000 (halos P1.2 milyon) dahil sa sadyang pagbangga nito sa isang game official.
Nainis matapos ang turnover na hindi tinawagan ng foul kay Cody Zeller sa dulo ng third quarter sa 104-102 overtime victory ng Oklahoma laban sa Charlotte Hornets noong Biyernes, nilapitan ni Schroder si referee CJ Washington sa mid-court.
Dinakma ni Schroder ang braso ni Washington para ipakita kung ano ang ginawa sa kanya ni Zeller.
Kaagad tinawagan ni Washington si Schroder ng technical foul.