WASHINGTON -- Hindi na makakapanood ang mga Philadelphia fans na pinagmumura si Washington Wizards guard Isaiah Thomas sa mga susunod na laro ng 76ers.
Ang nasabing mga fans ay pinagbawalang manood sa Wells Fargo Center sa loob ng 12 buwan matapos sigawan at pagmumurahin si Thomas.
Ngunit hindi huminto dito ang 76ers.
Natukoy din ng koponan ang season-ticket holder na nagbigay sa na-sabing mga fans ng tic-kets at kinansela ng team ang mga hawak na tiket ng nasabing season-ticket holder.
Pinatawan naman si Thomas ng two-game suspension dahil sa kanyang pagsugod sa stands para komprontahin ang nasabing mga fans.
Hindi ikinatuwa ni Thomas ang naging desisyon sa kanya ng NBA.
Nangyari ang pambubuska ng mga fans kay Thomas sa huling tatlong minuto ng fourth quarter noong Sabado.
Samantala, sa unang pagkakataon ngayong season ay hindi naglaro si LeBron James para sa Lakers.
Naupo ang 34-anyos na superstar sa kanilang pagkatalo laban sa Denver Nuggets bunga ng kanyang thoracic muscle strain.
Sinabi ni Lakers head coach Frank Vogel na hindi pa niya alam kung kailan muli maglalaro si James, nakuha ang nasabing injury sa laro ng Lakers kontra sa Indiana Pacers noong Martes.