Adams lumagda sa Columbian

MANILA, Philippines — Pumirma ng maximum two-year rookie con­tract ang top pick na si Roosevelt Adams sa Columbian para sa 2020 PBA Season.

Pinangunahan ni Dyip governor Bobby Rosales ang contract signing ilang araw matapos ang 2019 PBA Rookie Draft noong nakaraang Sabado.

Hindi idinetalye ang halaga ng naturang kon­trata subalit inaasahang kikita ang Filipino-Am sniper ng P200,000 na pinakamataas na suweldo ng isang rookie.

Ang 6-foot-5 na si Adams ang naging No. 1 overall pick sa regular draft ng PBA kasunod ng limang special picks na inilaan para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ay sina Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nie­to ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine.

Malaki ang inaasahan ng Columbian sa 25-an­yos na si Adams lalo’t hi­tik na ito sa karanasan.

 

Show comments