^

PM Sports

LVPI inamin ang pagkukulang

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
LVPI inamin ang pagkukulang

MANILA, Philippines — Kung ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ang tatanu­ngin, ang kakulangan sa prepa­rasyon ang na­ging ugat kung bakit kinapos ang national women’s team sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Kinulang ang pamba­to ng Pinas sa inaasam na pagtuldok sa 14-year medal drought sa wo­men’s indoor volleyball event ng biennial meet nang takasan sila ng Indo­nesia sa bakbakan para sa bronze medal, 20-25, 26-24, 14-25, 25-20, 14-16.

Aminado si LVPI board chairman at nation­al team program head Peter Cayco na talagang kulang ang oras na inilaan ng Nationals para mas maging intact at buo ang tropa dahil na rin sa kani-kanilang obligas­yon sa mga mother clubs nila.

“They lack the time to jell together. Kulang ta­laga, kulang ng time. Talagang hindi ko sila ma­sisisi, hindi naman sila puwedeng mag-practice twice a day, mabu-burnout iyan,” sabi ni Cayco. “Hindi mo puwedeng puwersahin naman eh. And with their contractual obligations. Ipit sila talaga. Maski gusto nila, wala si­lang magawa eh.”

Isa rin sa nakikitang prob­lema ni Cayco ang pagkakasabay ng sche­dule ng Premier Volley­ball League (PVL) at ng Philippine Superliga (PSL) na pahirap sa natio­nal team members.

Gagawa ng paraan ang LVPI para magkasundo ang dalawang liga at ang una sa kanilang plano ay ayusin ang pla­ying calendar ng mga ito.

Pipilitin din nilang mai­tuloy ang isang ‘crossover’ event kung saan papayagan nilang maglaro ang mga miyembro ng national team sa parehong liga bilang bahagi ng paghahanda at pagsasanay.

 

LVPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with