^

PM Sports

Isaac Go ‘di makapaniwala

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na naitago ni Isaac Go ang kanyang pagkagulat matapos mapasama sa Gilas Pilipinas pool para makasama bilang kinatawan ng bansa sa kampanya nito sa 2023 FIBA World Cup.

Isa si Go sa limang manlalaro na hiniram ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) mula sa PBA na sumabak sa PBA Gilas special draft, kasama sina Rey Suerte, Allyb Bulanadi at ang kambal na sina Mike at Matt Nieto, para maging bahagi ng national pool. 

“I was in shock because in came in a surprise but afterwards it sink in I was so grateful that it fell in line with my plan to enter the PBA. I’m just really lost in words,” sabi ni Go. 

Hindi na bago sa pagrepresenta ng bansa si Go sa ilang international competition gaya ng William Jones Cup noong 2018 kasama ang buong Ateneo Blue Eagles at naging bahagi rin siya ng Energen Pilipinas - ang U-16 national team noon. 

Ngayon ay pagkaka­taon muli na maglaro para sa watawat si Go, hindi aniya maipaliwanag ang kanyang nadarama pero masaya siya na magkaroon ng tsansa na gawin ang mga ito sa pagpasok niya sa pro-league. 

“It’s always an honor to done for blue, white and red - for the Philippines - really there’s no words to describe I’m feeling it going inside my plan to enter the PBA,” dagdag ni Go. “It’s just incredible really. I’m just really bless to have this opportunity to do everything.”

Bukod sa Gilas, ay pinaghahandaan din ni Go ang pagsabak niya sa PBA, matapos maging number one pick ng Columbian Dyip. Alam niya ang pressure na nakaatang sa kanya kaya’t excited na siyang magpakitang-gilas para patunayan na nararapat siya sa overall pick. 

“I used to kinda pressure of it but I’m excited than pressure to perform and to show that the number one pick is worth it,” panapos ni Go.

ISAAC GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with