^

PM Sports

Supporters, critics, bashers

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matapos mailusot ang mga gusot sa mga unang araw sa pagharap sa mga bisita sa 30th Southeast Asian Games, umaasa ang Philippine SEA Games Organizing Committee na tatakbo na smoothly ang kanilang hosting ng biennial regional sports conclave.

Pero hiling pa rin nila sa ating mga kababayan ang suporta at kooperasyon sa halip na kapwa Filipino pa ang maghahanap ng kahit anong butas o kahit na anong bagay na maipupula sa pagpapatakbo natin ng SEAG.

Madali naman talagang maghanap ng ipipintas o ipangsisira sa gustong mamintas at manira. Pero asam ng PHISGOC ay kung anong bagay ang puwedeng itulong ang pumasok sa isipan ng mga kababayan.

Sa mga manonood sa mga venues, ang isang bagay na maitutulong natin para maayos na maihatid ang SEAG ay disiplina.

Siyempre malaking bagay ang pagsuporta sa ating mga atleta pero makakatulong din na sundin natin ang mga panuntunan sa playing venues, maging magiliw sa mga bisitang manlalaro at huwag magkalat.

Ilang SEA Games na ang naikober ko at pansin ko na nangunguna tayo sa pagiging makalat.

Hindi ko inabot ang 1981 SEAG pero nasa larangan na ako ng sports noong 1991 at 2005. Nakakalungkot ang tanawin na sangkaterba ang mga kalat sa Rizal Memorial Sports Complex, bagay na hindi ko nakita sa mga sports venues ng ating mga kapitbahay na bansa.

Ukol naman sa mga kapalpakan, hindi maiiwasan ito. At hindi ito bagay na sa atin lang nangyari.

Just imagine, 56 sports disciplines na nilalahukan ng over 10,000 athletes. At nariyan pa ang mga opis-yales, coaches at media.

Kung hindi magbabago ang attitude natin, mala-king side event ng 30th SEA Games ang labanan ng mga supporters, critics at bashers.

 

BASHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with