Kuwentado lahat-- Suzara
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na lahat ng ginastos sa hosting ng bansa sa 30th Sea Games ay alinsunod sa patakaran at regulasyon ng Commission on Audit (COA).
Ikinalungkot ni Phisgoc chief operating officer (COO) Ramon Suzara sa pagkumpara ni Sen. Panfilo Lacson sa paraan ng paggastos sa Sea Games sa multi-billion peso pork barrel scam.
“Every centavo spent by PHISGOC were all used for the benefit of the athletes and to ensure the Philippines’ successful hosting of the SEA Games. Senator Lacson is welcome to inspect the world-class facilities and other requirements that were prepared for this year’s SEA Games so that he can see for himself how the funds were prudently spent by the organizers,” pahayag ni Suzara.
Sinabi ni Suzara na kahit isang private foundation Phisgoc, mahigit 80 porsiyento sa kanilang mga miyembro ay mula sa gobyerno. Ang Philippine Sports Commission at Phi-lippine Olympic Committee ay mahusay na kinakatawan sa Phisgoc, ayon kay Suzara.
Ipinahayag umano ni Phisgoc chairman at Speaker Alan Peter Caye-tano ang breakdown ng P1.5 billion fund mula sa gobyerno sa harap mismo ng mga Senador sa isang deliberasyon sa Senado tungkol sa Sea Games budget, dagdag ni Suzara.
“The 2019 budget was only signed into law by the President in April because Congress was unable to approve the budget bill on time. This gave the government less than six months to procure all that was needed to ensure the Philippines’ seamless hosting of the SEA Games,” dagdag ni Suzara.
“It takes several months to get things mo-ving in compliance with procurement rules before either the DBM or PSC can bid out contracts. We had less than six months to mobilize to ensure that the SEA Games would push through,” ani Suzara.
Handa naman umano si Suzara na humarap sa mga gagawing imbestigasyon ukol sa budget ng PHISGOC at tanggap nila ang suhestiyon ni Albay Rep. Joey Salceda para sa Senado na gumawa ng legislative inquiry upang masiguro na patas at transparent ang nasabing aksyon.
- Latest