Pinoy water polo team sisimulan ang laban

MANILA, Philippines — Hangad ni national men’s water polo coach Rey Galang ang podium finish sa kanilang pagsa­gupa sa Indonesia sa pag­hataw ng 30th SEA Games water polo com­pe­titions ngayon sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Nakatakda ang upakan ng Philippine team at In­do­nesia sa alas-7 ng gabi.

“Last time we placed fourth in the Malaysia SEA Games so now we’re aiming for a podium fi­nish,” wika ni Galang.

Lalabanan ng Singapore ang defen­ding wo­men’s champion na Thailand sa alas-10 ng uma­­ga kasunod ang laro ng Malaysia at Thailand sa men’s class alas-5 ng hapon.

May 3-1 marka ang Pinoy team noong 2017.

Show comments