MANILA, Philippines — Magarbong coverage ang ilalatag upang maabot ang bawat sulok ng Pilipinas gayundin ang iba’t ibang bansa sa 2019 Southeast Asian Games na lalarga mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Magsasanib-puwersa ang TV 5 at Cignal para mapanood ng milyun-mil-yong Pilipino ang mga laro sa SEA Games. Ang TV 5 at Cignal ay kasama sa mga Official Broadcasters sa biennial meet.
Pormal nang inilunsad kahapon ang Sama-Sama sa SEA Games na magsisilbing umbrella campaign ng TV 5 at Cignal.
Mapapanood ang mga laro sa TV at online.
“For free-to-air, there’s 5 and 5 Plus. For Cignal, there’s One Sports plus three new channels: SEA Games Channel, Team Pilipinas, and SEA Games News Channel all exclusive for Cignal and SatLite subscribers. For digital, there’s ESPN5.com, the Cignal Play app plus three SEA Games-dedicated YouTube channels that will be available 24/7,” ayon kay TV 5 president Jane Basas.
Pangungunahan naman ng PLDT sa pamamagitan ng Smart Communications ang Fifth Generation (5G) technology para mas mabilis na maipadala sa mga manonood ang resulta at mga laro.
Ayon kay PLDT-Smart Senior Vice President and Consumer Business Market Development Head Oscar A. Reyes, Jr., asahan ang bagong karanasan sa usaping teknolohiya sa panonood ng SEA Games.
“[It is] something that we have never been able to do before with the regular technology. So this new technology will open up a new experience for consumers,” ani Reyes.
“When you’re there, if you have a 5G capable device, you will be able to experience the 5G mobile signal. I think there are 5G mobile devices available in the market already, so if you have that, you go to Clark and you can actually already experience it,” dagdag nito.