Jun Manzo sa MPBL muna para magpahinog
MANILA, Philippines — Magpapahinog muna sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si UP guard Jun Manzo bago subukang umakyat sa Philippine Basketball Association (PBA).
Ito marahil ang magiging desisyon ni Manzo matapos ang masaklap na pagtatapos sa kanyang UAAP career bunsod ng kakulangan pa sa games played requirement sa PBA D-League bago makapasok sa PBA.
Dalawang games lamang ang nalaruan ni Manzo, malayo sa siyam na larong requirement ng D-League upang maging eligible sa PBA Rookie Draft na siyang magtutulak sa kanya upang sumalang muna sa MPBL.
Bagama’t natengga muna ang planong PBA Draft application ngayon, tiwala naman si coach Bo Perasol na malayo ang mararating ni Manzo sa pro-league.
Pinatunayan ni Manzo ang kanyang leadership sa Diliman sa pagkawala ng lider na sina Paul Desiderio ngayong season nang manduhan ang atake ng Fighting Maroons sa likod ng all-around ave-rages na 8.4 puntos, 4.0 assists at 3.5 rebounds.
Sa kasamaang palad, hindi natapos ayon sa inaasahan ang collegiate career ni Cebu-native Manzo nang ma-foul-out sa kanilang 65-68 kabiguan kontra sa UST sa sudden death semifinals ng UAAP Season 82 upang bigong makapasok sa championship sa ikalawang sunod na taon.
Wala pang kasiguruhan kung saang koponan sa 30-team MPBL si Manzo subalit plano niyang maglaro rin sa PBA D-League sa Enero upang makumpleto ang games requirement bago makapasok sa pangarap na PBA.
- Latest