Castro mas maagang makakabalik sa TNT

MANILA, Philippines — Mas maaga kaysa inaasahan ang magiging pagbalik ni Jayson Castro para sa TNT Katropa sa idinaraos na 2019 PBA Governors’ Cup.

Bagamat hindi pa puwede sa full contact drills, nagbalik na sa shooting practice si Castro kamakalawa.

Inaasahang maaari na ulit maglaro ang beteranong point guard sa playoffs nga­yong buwan lalo’t nakasiguro na ng puwesto ang KaTropa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nadale ng soleus muscle strain injury si Castro na kinailangang sumailalim sa rehab upang makapabalik agad sa simula ng buwan.

Ang naturang injury din ni Castro ang naging dahilan ng pagkatanggal niya sa 15-man Gilas Pilipinas roster para sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Pinalitan si Castro ni Kiefer Ravena ng NLEX sa national team pool na nag­ha­ha­ngad masukbit ang ika-18 titulo nito sa SEAG.

Sa panig naman ng TNT habang wala si Castro, nakakuha ito ng mga bagong pambato sa katauhan nina Bobby Ray Parks, Jr. at Mike Digregorio matapos ang dalawang magkahiwalay na trades kasama ang Blackwater.

May 7-2 baraha ang TNT ngayon para sa ikalawang puwesto papasok sa dulong bahagi ng season-ending conference.

Show comments