Rozier iginiya ang Hornets kontra sa Warriors

SAN FRANCISCO — Nag­hulog si guard Terry Rozier ng isang go-ahead bas­ket sa huling 1:09  mi­nuto ng fourth period at nakatakas ang Charlotte Hornets sa paghahabol ng Golden State Warriors pa­ra kunin ang 93-87 panalo.

Humataw si Dwayne Ba­­con ng game-high na 25 points para sa Hornets, habang tumapos si Rosier na may 20 markers.

Nagmula ang Charlotte sa back-to-back los­ses sa Los Angeles Lakers at Clippers.

Umiskor naman si Eric Paschall ng game-high na 25 markers sa panig ng Warriors, naglaro na wala sina injured stars Stephen Curry, Klay Thompson, D’Angelo Russell at forward Dray­mond Green.

Ito ang pang-limang ka­biguan ng Golden State sa una nilang anim na la­ro.

“We were right there. A couple things at the end if we could have executed a little bit better and if I maybe made a couple different decisions I think we would have been in good shape. Tough one but I’m really, really proud of the group,” sabi ni coach Steve Kerr sa Warriors.

Sa Washington, humataw si Andrew Wiggins ng 21 points, habang may tig-20 markers sina Ro­bert Covington at Jarrett Cul­ver para akayin ang Minnesota Timberwolves sa 131-109 paggupo sa Wi­zards.

Pinaganda ng Timber­wolves ang kanilang ba­raha sa 4-1.

Nagpasabog naman si Bradley Beal ng 30 points para sa Wizards (1-4).

Sa Milwaukee, nag­pos­te si Giannis Anteto­koun­mpo ng 36 points, 15 rebounds at 8 assists pa­ra ihatid ang Bucks sa 115-105 panalo laban sa To­ronto Raptors.

Nagdagdag naman ng 14 markers si guard Eric Bledsoe.

Show comments