FCVBA 65-and-above team nabawi ang korona
MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang kanilang 65-and-above crown matapos ilusot ang 54-50 come-from-behind win laban sa Hatyai team ng Thailand sa ASEAN Veterans Basketball Tournament sa Chiang Mai, Thailand.
Bumangon ang FCVBA squad mula sa nine-point deficit sa gitna ng fourth quarter sa pamamagitan ng paghuhulog ng 16-3 bomba para talunin ang Hatyai.
Sina dating PBA player Benjie Poblete, guard Andrew Ongteco at seldom-used Antonio Go ang gumabay sa tropa para makumpleto ang four-game sweep.
Ang go-ahead basket ni Poblete kasunod ang mintis na triple ng isang Thai player ang sumelyo sa kanilang panalo.
Nakahinga naman ng maluwag sina FCVBA godfathers Jimi Lim ng Ironcon Builders at Terry Que ng Rain or Shine at coaches Elmer Reyes at Jerry Gonzales nang makuha ni Bong dela Cruz ang rebound at ibinato ang bola kay Zotico Tan para sa insurance basket.
“What a win it was, dumaan kami sa butas ng karayom,” pahayag ni Que.
“That’s resilience, we did not give up,” sabi naman ni Lim.
Tumapos ang 6-foot-3 na si Poblete, naglaro ng apat na taon sa PBA, na may 27 points.
- Latest