Sibak sina Orcollo, Pagulayan at Aranas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nasi­bak ang natirang tatlong Pinoy cue masters sa 2019 International 9-Ball Open na ginaganap sa Sheraton Norfolk Wa­terside Hotel sa Norfolk, Virginia.

Hindi na umusad si­na dating world champion Dennis Orcollo, Fi­l-Canadian Alex Pa­gu­layan at James Ara­nas matapos makalasap ng magkahiwalay na kabiguan sa losers’ bracket.

Iginupo ni Aranas si Orcollo sa pamamagitan ng 11-1 demolisyon ngunit bigo itong masun­dan ang magandang panalo matapos namang yu­muko kay Jay­son Shaw ng Scotland, 5-11.

Nagwagi naman si Pagulayan laban kay world tit­list Dar­ren Ap­ple­ton ng Great Britain, 11-7, ba­go tumupi kay Ame­rican Justin Bergman, 6-11. sa sumunod ni­yang laban.

Nauna nang na­ma­a­lam sa kontensyon si­na Lee Vann Corteza, Ro­berto Gomez at Roland Garcia.

Show comments