P4 millyon nakataya sa 6th Pasay ‘The Travel City Cup’

MANILA, Philippines — Halos P4 milyon ang maita­tak­bo ng mga mana­nalong kabayo sa paglarga ng 6th Pasay ‘The Tra­vel City’ Racing Festival bukas sa Metro Turf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Ang nasabing one-day racing festival na magta­tampok sa apat na premyadong karera bilang pag­gu­nita sa anibersaryo ng   Pasay City.

Ang 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup ay may P700,000 para sa unang apat na magta­tapos.

Itatampok sa 1,600-meter race ang Sum­mer Ro­mance, Truly Ponti, Stella Malone, Cer­tain To Win, Victorious Colt, Scarborough Shoal, Meta­mor­phosis, Pangalusian Island at Und Kantar.

Apat sa unang limang pagtatanghal ng natu­rang karera ay pinagwagian ng imported na kabayo ka­ya naman ikinukunsiderang liyamado ang mga im­ported runners  na Truly Ponti, Certain to Win, Stella Malone, at Und Kantar.

Ang mananalong entry sa 6th Pasay ‘The Tra­vel City’ Cup  ay mag-uuwi ng P420,000 para sa win­ning owner, trainer at jockey.

Naglatag din ng P700,000 para sa 6th Pasay Rep. Tony Calixto Cup na paglalabanan ng limang   local runners na Toy For the Big Boy, The Accountant, Shanghai Grey, My Jopay at ang paboritong Boss Emong.

Naglaan din ang Phil­ra­­com ng P1.04 mil­yon  na guaranteed prize para sa ikalawang leg ng   Juvenile Fillies & Colts Stakes na tatakbuhin sa 1,400 metro.

 Ang mga official entry ay ang Batang Evalom, Kiwirose, Union Bell, Four Strong Wind, Our Secret, Prime Time Magic, Exponential at Carmela’s Fury. 

Premyong P600,000 ang makukuha ng mana­nalo.

Inaasahan namang ma­­no­no­od ng karera si­na Rep. To­­ny Ca­lixto at Mayor Emi Calixto-Ru­biano.

Show comments