Ateneo puntirya ang sweep
MANILA, Philippines — Isang hakbang na lamang ang layo ng nagdedepensang Ateneo De Manila University sa asam na sweep sa pagsagupa sa University of the Philippines sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
Itataya ng Blue Eagles ang malinis na kartada laban sa Fighting Maroons ngayong alas-4 ng hapon.
Malalaman din kung magkakaroon ng Final Four o stepladder format sa playoff round.
Sakaling magwagi ang Ateneo ay diretso sila sa best-of-three Finals, habang sa stepladder playoff ay maghaharap ang Far Eastern University at University of Santo Tomas UST at ang manalo ang haharapin ng UP sa huling playoff match.
Ang mananaig naman sa huling playoff match ang aabante sa Finals kontra sa Ateneo.
Nauna nang pinataob ng Blue Eagles ang Fighting Maroons, 89-63, noong setyembre 29.
“We just have to come out there strong. We have two days to prepare against them. We’ll give it our best shot.” wika ni UP coach Bo Perasol matapos itakas ang 71-68 panalo kontra La Salle.
Kahit matalo ang Fighting Maroons ay mananatili pa rin sila sa No. 2 spot laban sa Tigers at Tamaraws.
Maghaharap ang University of the East at National University sa alas 10:30 ng umaga at ang La Salle at Adamson sa alas 12:30 ng tanghali.
- Latest