MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-arangkada ni Alexandra Eala matapos sumulong sa No. 13 sa world ranking ng International Tennis Federation (ITF).
Umakyat ng 14 puwesto si Eala mula sa kanyang dating ika-27.
“I am now #13 in ITF World Junior Rankings after last week’s performance! Thanks for all your support,” ani Eala.
Nakalikom na ito ng kabuuang 1,245 puntos kung saan nakakuha ito ng karagdagang 300 points matapos an kaniyang runner-up sa 2019 World Super Junior Tennis Championships-Osaka Mayor’s Cup na ginanap sa Utsubo Tennis Center sa Osaka, Japan.
Nakapilak lamang si Eala nang umani ito ng 2-6, 4-6 kabiguan kay Diane Parry ng France sa finals ng girls’ singles event.
Si Parry na ang kasalukuyang No. 1 sa mundo tangan ang 2,226.25 points.
Nasa Top 10 din si No. 2 Leylah Annie Fernandez ng Canada na may 1,080 points kasunod sina Emma Navarro ng Amerika (2,002.50), Daria Snigur ng Ukraine (1,898.75), Alexa Noel ng Amerika (1,800), Kamilla Bartone ng Latvia (1,635), Zheng Qinwen ng China (1,541), Natsumi Kawaguchi ng Japan (1,510), Camila Osorio Serrano ng Colombia (1,452) at Clara Tauson ng Denmark (1,298).
Sa pagpasok sa Magic 15 sa world ranking, makasisiguro na ang 14-anyos Pinay netter ng tiket sa main draw ng mga Grand Slam events.