MANILA, Philippines — Sinibak ng reigning champion Creamline ang Pacific Town-Army sa pamamagitan ng mabilis na 25-15, 25-18, 25-22 desisyon upang makalapit sa elimination sweep sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi pa rin nasisila-yan sa aksyon si national team mainstay Alyssa Valdez na tila pagha-handa na ni Creamline coach Tai Bundit dahil ilang linggo rin itong mawawala sa koponan.
Sa susunod na linggo, magsasanay si Valdez sa Japan kasama ang national team na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games na magsisimula sa susunod na buwan sa Philsports Arena.
Kaya naman sumandal ang Cool Smashers kina MVP candidate Jema Galanza at Filipino-Japanese middle blocker Risa Sato upang pamunuan ang kanilang tropa sa pagkopo ng ika-14 sunod na panalo – dalawa na lamang para makumpleto ang matamis na pagwalis sa eliminasyon.
Nakalikom si Sato ng 12 puntos mula sa siyam na attacks at tatlong blocks habang nag-ambag si Galanza ng 11 markers.
Naasahan din ng Creamline si opposite hitter Michele Gumabao, Celine Domingo at reserve wing spiker Rosemarie Vargas na nagbigay ng solidong kontribusyon partikular na sa third set upang makuha ang panalo.
Kumuha si Vargas ng 10 hits at 15 receptions samantalang may tig-walong puntos sina Gumabao at Domingo sa larong tumagal lamang ng isang oras at siyam na minuto.
Sa ikalawang laro, iginupo ng PetroGazz ang Philippine Air Force, 25-20, 25-15, 25-14, para kumpletuhin ang Final Four. Umangat sa 10-4 ang Gazz Angels.
Ang panalo rin ng PetroGazz ang awtomatikong nagbigay sa Motolite (9-5) ng tiket semis.
Sibak na rin ang Lady Jet Spikers na nalaglag din sa 6-8..