Standhardinger-Tautuaa trade

MANILA, Philippines — Isang pasabog ang inilabas ng San Miguel Beer (SMB) kahapon matapos i-trade si Rookie Draft top pick Christian Standhardinger sa NorthPort bilang kapalit ni dati ring top pick Mo Tautuaa.

Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang naturang trade.

Tumagal din ng limang kumperensiya si Standhardinger sa kampo ng Beermen.

Kinuha ito ng SMB bilang top pick noong 2017 Rookie Draft.

Naging bahagi ito ng champion team sa Philippine Cup (2019) at Commissioner’s Cup (2019) habang kasama ang Fi­lipino-German cager sa All-Rookie Team noong 2018.

Mayroon lamang 3.5 points at 4.0 rebounds si Standhardinger sa apat na laro sa ginaganap na Governors’ Cup.

Sa kabilang banda, top pick si Tautuaa ng Talk ‘N Text noong 2015 draft.

Show comments