Tamaraws nalo sa OT vs UP
MANILA, Philippines — Nagpasabog ng mga career high sina LJ Gonzales at Ken Tuffin at naasahan din si Wendell Comboy sa overtime tungo sa 82-79 panalo ng FEU Tamaraws kontra sa UP Fighting Maroons sa Season 82 ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall Of Asia sa Pasay City.
Tumapos si Tuffin na may career high na 18 puntos at limang rebounds at hindi rin nagpahuli si Gonzales na may 17 puntos bukod pa sa 12 rebounds at anim na assist para uma-ngat sa pangatlong puwesto ang FEU hawak ang 4-4 baraha kahanay ang UST Growling Tigers at Green Archers.
Gumawa si Comboy ng limang puntos sa extra period sa kanyang kabuuang 10 upang ipalasap sa UP ang ikatlong talo sa 8 laro ngunit nanatili sila sa No. 2 spot sa likod ng na-ngungunang Ateneo (8-0).
Pagpasok ng overtime nagpakawala ng tatlong triples sina Xyrus Torres, Comboy at Ken Tuffin para lumayo sa 77-72 na kanilang naging puhunan papasok sa huling 2:14 minuto ng laro tungo sa tagumpay.
Nagposte naman si Justine Baltazar ng career high 25 puntos at 25 rebounds upang akayin ang DLSU Green Archers pag-lampaso sa NU Bulldog, 85-61 at makihanay sa UST Growling Tigers at Far Eastern.
“Una nagpapasalamat ako kay god dahil maganda laro ko.” ani Baltazar matapos itala ang double-double na 25-25 para sa La Salle na umangat sa 4-4 kartada at lalong iba-on ang Bulldogs sa 1-7 record.
- Latest