^

PM Sports

1st round na-sweep ng Ateneo Blue Eagles

PJ Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng Ateneo Blue Eagles ang first round matapos ilampaso ang UP Fighting Maroons, 89-63 sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna para sa Blue Eagles si Angelo Kouame na nagtala ng 19 points, 15 rebounds at 7 blocks, ha­bang sumuporta naman si­na Matt Nieto, Will Navarro at Thirdy Ravena na may 18, 14 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod, upang lalong humigpit ang kanilaang kapit sa liderato at layuan  ang pumapanga­lawang UP Maroons na may 5-2 karta.

“I thought our guys played fairly and metho­dically,” sabi ni coach Tab Baldwin. “We didn’t get carried away with the crowd and the emotions. After all, it’s just a regular season game.”

Mula sa 35-31 halftime lead, lumaki ito ng hanggang 27 puntos, 89-62, mula sa tres ni Tyler Tio ilang tikada ang natitira sa third quarter matapos ma-eject si UP head coach Bo Perasol sa 6:23 ng third quarter dahil sa tuluy-tu­loy na pagrereklamo sa non-calls ng mga referees.

Nauwi sa wala ang 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod, nina Kobe Paras at Javi Gomez De Liano para sa Fighting Maroons.

Sa unang laro, sinan- dalan ng UE Red Warriors kay Alex Diakhite na nagsalpak ng 22 puntos, 13 rebounds kasama pa ang tatlong steals at tatlong supalpal upang ungusan ang NU Bulldogs, 78-72 para umangat sa 2-5 at ibaon ang NU Bulldogs sa kulelat na posisyon sa 2-5.

Nakaramdam ng kaba ang Red Warriors matapos maibaba ng ng Bulldogs  ang kanilang 10-point ad­vantgage at makalapit sa 68-69  sa hu­ling 3:26 mi­nuto ng fourth period.

Ngunit nagtulong si­na Neil Tolentino at Alex Diakhite para muling ilayo ang UE sa 73-68 may 2:35 minuto na lang tungo sa pa­nalo.

 

ATENEO BLUE EAGLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with