^

PM Sports

Sumisip-St. Clare sa finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sumisip-St. Clare sa finals
Dinipensahan ni Joshua Fontanilla ng Sumisip-St. Clare si Rich Guinitaran ng CEU.
PBA D-League Photo

MANILA, Philippines — Nakaganti na ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa CEU matapos ang 73-59 panalo sa Game Three ng kanilang semifinals series upang masikwat ang una nilang finals ticket sa 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Haharapin ng Saints ang nag-aabang na Marinerong Pilipino sa best-of-three championship series na magsisimula sa Huwebes sa parehong venue.

Nangningning para sa St. Clare ang beteranong guwardya na si Joshua Fontanilla sa kanyang kumpletong 15 puntos, siyam sa fourth quarter, sahog pa ang apat na rebounds, apat na assists, tatlong steals at dalawang supalpal.

Noong nakaraang conference, yumukod sa parehong CEU team ang St. Clare sa Final Four upang mapagkaitan ng tsansang makapasok sa Finals.

“Lahat sila gustong pumasok sa Finals. ‘Yun ang challenge sa kanila. Gusto nilang makabawi sa CEU at makalaro sa Finals. That’s their dream,” ani head coach Stevenson Tiu na hindi natulungan ang St. Clare sa kanilang 68-83 kabiguan sa Game Two na siyang nagdiskaril sa 2-0 sweep win at agarang pagpasok sana sa Finals.

Gaya ng mga nakaraan nilang laban sa CEU, hindi naging madali ang misyon para sa Saints lalo nang maiwan agad ito sa 4-14 simula.

Sa likod nina Gabo, Du-mapig at Fontanilla, nagi-sing ang Saints sa second half at nagpakawala ng mabangis na ratsada upang makapagtayo ng kompor-tableng 71-56 abante.

Hindi na nakabangon pa ang Scorpions buhat noon tungo sa masaklap na pagtatapos ng kanilang pambihirang playoff run simula pa noong nakaraang conference.

Nauwi sa wala ang 16 puntos ni Jerome Santos gayundin ang halimaw na 13 markers, 20 rebounds, anim na assists, tatlong steals at anim na tapal ni Maodo Malick Douf para sa CEU na nagtapos bilang runner-up sa likod ng kampeon na Cignal-Ateneo noong nakaraang conference.

SUMISIP-ST. CLARE 73 — Fontanilla 15, Dumapig 11, Gabo 9, Hallare 8, Rubio 7, Batino 6, Pare 5, Bautista 5, Tiquia 3, Manacho 2, Penarendondo 2.

CEU 59 — Santos 16, Diouf 13, Guinitaran 12, Bernabe 8, Carandang 5, Diaz 2, Sunga 2, De Ocampo 1.

Quarters: 13-21; 31-32; 51-47; 73-59.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with